--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa 148 million pesos ang nailaang pondo sa Lalawigan ng Isabela para sa Indemnity claims ng mga hog raisers na-cull ang baboy para sa ikatlong kwarter ng taong 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations ng DA Region 2 Inihayag niya na nakatangap ng pinaka malaking alokasiyon ang Lunsod ng Cauayan na umabot sa 20.4 million pesos para sa apat na libo siyamnapu’t isang  baboy na isinailalim sa culling.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magsisismula narin ang pamamahagi ng Indemnity cliams sa bayan ng San Mateo, na may 11.6 million pesos allocation, Cabataun na may 18.2 million pesos allocation, Cagayan na may 4.8 million pesos allocation at Quirino na may 7 million pesos na alokasiyon.

Puntirya ng DA region 2 na matapos ang pamamahagi ng Indemnity claims sa buong rehiyon sa katapusan ngayong Nobyembre hanggang unang bahagi ng buwan ng Disyembre.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Roberto Busania.

Samantala, Nanindigan ang Kagawaran ng Pagsasaka o DA region 2 na dokumentado ang masterlist ng mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF na ipinasakamay nila DA central Office.

Ang naturang pahayag ng DA ay bunga ng reklamo ng ilang backyard Hog raisers na umanoy nawala sa listahan ng mga makakatanggap ng Indemnification claims.

Ayon  kay Dr.  Busania, lahat ng mga na cull na baboy ay dokumentado sa listahan at may hawak na culling slip ang mga hog raisers bago nilagdaan ang masterlist.

Nilinaw  pa ni Dr. Busania na ang ipinadalang furnished copy ng masterlist sa DA central office ay nilagdaan ng City/Municipal Agriculturist,Provincial Veterenary Officer at DA regional Director.

Ayon pa kay Dr. Busania, mabusising  na-validate ng DA region 2 ang listahan ng mga hog raisers na napabilang sa masterlist ng mga makakatanggap ng kanilang Indemnity claims.

Aniya, maaring ang mga nagrereklamo ay ang mga hog raisers na namatayan ng baboy bago pa man umpisahan ang culling sa mga baboy na infected ng ASF.

Paglilinaw niya na hindi maaaring mailista ng DA ang mga baboy na namatay na at nailibing na bago paman ang magsagawa ng culling dahil saka lamang maisailalim sa culling ang baboy ay susuriin muna para mapatunayang positibo  sa ASF.

Ang karagdagang pahayag ni Dr. Roberto Busania.