--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit pitong daang libo pa lamang ang naipamahaging National ID Physical Card ng Philippine Statistics Authoriy o PSA Isabela mula sa 1.2 million registrants sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSA Provincial Director Julius Emperador sinabi niya na sa ngayon ay nakapagtala na sila ng kabuuang bilang ng 1,284,306 na rehistrado para sa National ID sa buong Isabela habang nasa 392,684 na ang naipamahaging E-Phil ID habang aabot palang sa 732,734 ang naipapamahaging Physical ID.

Ayon kay Provincial Director Emperador may ilang mga ID pa rin ang nanatili sa pangangalaga ng PSA sapagkat hindi tinanggap ng mga may-ari dahil sa ilang error tulad ng maling pangalan.

Nagbabahay-bahay na ngayon ang PSA Isabela para sa mabilisang pamamahagi ng mga E-phil at Physical ID’s sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan nila at ng Philippine Postal Office.

--Ads--

Bago matapos ang taon ay magsasagawa ng imbentaryo ang PSA Isabela sa mga lugar at indibiduwal na hindi pa nakakapagtala upang kanilang mapuntahan at maiparehistro.