--Ads--

CAUAYAN CITY – May nakikita nang maaring sanhi ang Bureau of Fire Protection o BFP sa pagkasunog ng ilang bahagi ng old public market ng City of Ilagan.

Matatandaang nasunog ang apat na stalls sa pampublikong pamilihan noong nakaraang araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Franklin Tabingo, City Fire Marshall ng BFP City of Ilagan sinabi niya na kanilang binalikan ang site para alamin ang pinagmulan ng sunog at kanilang nakita ang isang electric fan sa isa sa mga stalls.

Agad nila itong kinuhanan ng specimen na ipapadala nila sa national headquarters para sa pagsusuri kung overheated ito nang mangyari ang sunog.

--Ads--

Batay rin sa isang batang witness nakita niyang nakabukas ang electric fan na nasa loob ng saradong stall.

Aniya bahagya silang nahirapan sa pag-apula ng sunog dahil mga damit ang itinitinda sa mga nadamay na stalls.

Sa ngayon ay hindi pa nila malaman ang halaga ng damage sa nangyaring sunog dahil ang mga may-ari ay hindi pa nila nakakausap habang ang ibang stall na nadamay ay hindi na okupado o tinambakan lamang ng mga gamit at paninda.