--Ads--

CAUAYAN CITY- Naiwang sinindihan na katol ang nakikita ngayong dahilan ng pagkasunog ng isang grocery stall sa loob ng New City of Ilagan Public Market.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Marshal Fire Chief Inspector Franklin Tabingo ng BFP Ilagan, sinabi niya na una silang nakatanggap ng tawag mula sa City Public Market Administrator Gerry Manguira kaugnay sa nagaganap na sunog.

Aniya napansin ng mga watchman sa pamilihan na may usok na nagmumula sa grocery stall.

Nagkaroon ng forcible entry ng mga market employees para mabuksan ang pwesto at agad na pinutol ng supply ng kuryente sa pamilihan.

--Ads--

Sa kanilang pagsisisyasat inalis na nila ang posibilidad ng electrical fire dahil sa maayos naman ang outlets ng stall.

Sa pagtatanong nila sa may-ari na pag alaman na pasado alas-4 ng hapon ng magsindi umano sila ng katol dahil sa malamok sa mesa ng store manager.

Bago magsara ang tindahan ay nakalimutan umano nilang patayin ang sinindihang katol na katabi lamang ng kahon ng floor wax at mantika.

Mapalad na lamang aniya na mabilis itong naiparating sa BFP Ilagan kaya agad silang nakatugon at naitala lamang ang 180,000 pesos damages.

Matatandaan na nasunog ang loob ng isang grocery stall sa loob ng New City of Ilagan Public Market pasado also otso ng gabi noong March 20.

Dahil sa nasabing pangyayari ay tiniyak ng pamunuan ng palengke na mas lalo nilang paiigtingin ang pagsuri sa mga pasilidad ng pamilihan tuwing gabi upang maiwasan nang maulit ang pangyayari.