--Ads--

CAUAYAN CITY- Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na palutang lutang sa irrigation canal sa Purok Dos Guribang, Diffun, Quirino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Jovencio Calagui, hepe ng Diffun Police Station ang bangkay ng lalaki ay inilagay sa sako at nakatali sa alambre ang mga kamay.

Ang bangkay ay tinatayang 5’2” ang tangkad,naka-suot ng camouflage short pant puting T-shirt, army cut ang buhok, kulay kayumanggi at katamtaman ang pangangatawan

Nagtamo ng saksak sa tiyan at sugat sa ulo ang natagpuang bangkay ng isang lalaki.

--Ads--

Dinala na sa isang punerarya sa Andres Bonifacio, Diffun, Quirino ang bangkay ng nasabing lalaki.

Inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakilanlan ng bangkay ng lalaki.