--Ads--

CAUAYAN CITY- Binawasan na ng NIA-MARIIS ang spill way gate opening dahil sa bahagyang pagbaba na ng water elevation ng Magat Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy ang Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na sakaslaukuyan ang water level ng Magat dam ay 186.88.

Indikasyon na nagkakaroon na ng bahagyang pagbaba sa antas ng tubig kaya maaari na nilang bawasan ang gate opening ng dam.

Ang magiging pasya naman nila ay nakasalalay parin sa weather forecast ng State Weather Bureau na siyang tumutukoy sa lakas ng pag-ulan na mararanasan sa Magat Water Shed.

--Ads--

Matatandaang nag simula ang pre-releasing ng Dam mula pa noong manalasa sa Bansa ang Bagyong Ferdie dahil sa mataas na water inflow dulot ng malalakas na pag-ulan.

Mula sa dahing higit 2,000 cubic meter per second na inflow nitong mga nakaraang araw ay halos bumalik na sa normal ang inflow na 400 cubic meters per second.

Nag resume na rin ang kanilang water delivery para sa mga sakahan at fish ponds.