CAUAYAN CITY – Dumarami pa ang bilang ng mga nakakagat ng mga hayup na nagtataglay ng rabies sa unang quarter pa lamang ng taon sa Cauayan City.
Nakapagtala ang City Health Office ng 255 na nakagat ng mga aso, pusa at iba pang rabid animals kumpara sa kaboang 672 na naitala sa buong 2017.
Pinaalalahanan ng animal bite treatment center ang mga mamamayan na magpatingin sa City Health Office kung nakagat ng mga aso, pusa, livestocks animals at iba pang rabid animals.
Mas mataas pa rin ang bilang ng mga edad 15 pataas na mayroong 142 kaso ng pagkakagat ng mga hayup na may rabies.
Pinayuhan ni Bb. Joanne De Guzman, nurse na nakatalaga sa animal bite treatment center ang mga nakagat ng mga hayup na agad magtungo sa kanilang tanggapan upang magpagamot.
Dapat din anyang hugasan ang sugat gamit ang sabon sa flowing water upang malinisan.
Libre naman umano ang pagpapagamot ng mga nakagat ng mga rabid animals sa kanilang tanggapan sa araw ng Martes at Biyernes
Pinayuhan din niya ang mga nakagat ng mga hayup tulad ng aso at pusa na iwasang magpatandok o gamutin ng bawang upang hindi lumala at magka-tetano.




