--Ads--

CAUAYAN CITY Sumampa na sa 70 ang nasawi dahil sa COVID-19 habang naitala ang mahigit 200 na bagong kaso sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya, noong April 13-19, 2021 ay naitala ang 230 na bagong kaso batay sa talaan ng Provincial Integrated Health Office (PIHO) habang naitala ang 215 na gumaling.

Ayon kay Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer ng Nueva Vizcaya, may pagkakaiba sa datos ng PIHO at ng mga Rural Health Unit (RHU) dahil tanging RT-PCR o swab test confirmed positive ang naisasama sa kanilang datos habang sa mga RHU ay kasama na ang mga nagpositibo sa Rapid Antigen Test.

Ngayon ay nasa 2,419 na ang naitalang kaso sa nasabing Lalawigan, 1,768 ang gumaling, 581 ang aktibong kaso at 70 ang nasawi.

--Ads--

Patuloy na pinag-iingat ang publiko at pinaalalahanang tumalima sa mga Health Protocols para makaiwas na mahawa at makapanghawa ng ibang tao.