--Ads--

CAUAYAN CITY – Naiuwi na sa pamilya para bigyan ng disenteng libing ang bangkay ng medical officer ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na iniwan ng kanilang mga kasama sa isang kubo sa Sitio Fukong, Gawa-an, Balbalan, Kalinga noong araw ng Lunes, March 15, 2021. 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nakilala ang bangkay na si Nora Miguel alyas Gemay, medical officer ng Komiteng Larangan Guerilla (KLG) Baggas ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) at asawa na si Rudy Daguitan alyas Pinpin na political officer at political instructor ng rebeldeng pangkat.

Una rito ay natagpuan ng mga sundalo ang bangkay ni Daguitan na iniwan sa isang kubo ng mga kasamang rebelde matapos ang naganap na sagupaan ng mga sundalo at rebelde sa Babacong, Gawa-an, Balbalan, Kalinga .

Sa isinagawang clearing operations ng mga sundalo ay natagpuan ang iniwang bangkay ni Miguel sa kabundukan.

--Ads--

Ibinaba ng militar ang bangkay ni Miguel sa tulong ng mga sibilyan at ipinasakamay sa kanyang pamilya.

Batay sa DND-DILG Joint Order on Reward, si Miguel ay may patong sa ulo na P400,000 dahil sa mga kinakaharap na kasong double murder at multiple frustrated murder.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Major General Laurence Mina, commanding officer 5th Infantry Division, Philippine Army sa pamilya ng napatay na mag-asawang lider ng CPP-NPA.

Ang pahayag ni Major Jekyll Dulawan