--Ads--

CAUAYAN CITY –  Malaking kawalan sa Philippine Army at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) si Maj Marvin Indammog na isa sa apat na napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Maj Noriel Tayaban, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army na nalungkot at nasaktan ang kanilang hanay sa nangyari kay Maj. Indammog at mga kasamang napatay na sina Capt. Irwin Managuelod,  Sgt. Eric Velasco at Cpl. Abdul Asula.

Suportado aniya ng 5th ID at  Philippine Army ang  paghahanap ng katotohanan at hustisya  sa nangyari  sa mga kapwa nila sundalo.

Si Maj. Indammog ay binigyan ng military  honors sa pagdating ng kanyang bangkay kahapon sa Tuguegarao City Airport sakay ng C-130 plane.

--Ads--

Idiretso ang kanyang labi sa Tabuk City, Kalinga bago iniuwi ng kanyang pamilya sa kanilang bahay.

Ayon kay Major Tayaban, si Maj Marvin Indammog na kasapi ng PMA Class 2006, Scout Ranger at Commanding Officer ng 9th Intelligence Service ay kilalang may prinsipyo, dedikasyon at  commitment sa trabaho at Marawi Siege warrior.

Kahit lumipat aniya sa Intelligence Unit ay mas prayoridad pa rin ni Maj Indammog ang assignment sa Southern Philippines sa pagbaka laban sa teroristang Abu Sayyaf.

Ayon kay Major Tayaban, hindi lang mga  kapamilya kundi maraming kababayan sa Kalinga ang sumalubong sa pagdating ng bangkay ni Maj. Indammog dahil ramdam din nila ang kalungkutan sa paraan ng kanyang pagkamatay.

Ang pahayag ni Maj Noriel Tayaban