CAUAYAN CITY– Halos P2 billion ang halaga ng napinsalang mga pananim na mais kapag pagsamahin ang partially damage at totally damaged dahil sa naranasang madalang na pag-ulan sa region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na dahil sa tagal bago nagkaroon ng mga pag-ulan sa Isabela at Cagayan ay ito ang may pinakamalaking napinsalang mga pananim na mais.
Inihayag pa ni Regional Executive Director Edillo na aabot sa 45,000 ektaryang pananim ng mais ang naapektuhang ng tagtuyot at 1,500 hectares ang totally damaged.
Ang mga apektadong magsasaka ay 33,439 ngunit maari pa itong madagdagan dahil hindi pa updated ang bilang.
Bagamat umulan sa mga nakalipas na mga araw ay hindi na umabot para sa mga mais na nasa reproductive stage .
Ayon pa kay Edillo, bagamat malaki ang halaga ng mga mais na napinsala ay mas malaki pa rin ang mga makakarecover.