--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa kahapon ng inspection ang mga kasapi ng National Police Commission (NAPOLCOM) Regional Office sa Cauayan City Police Office.

Ito’y pinangunahan ni Inspector 3 Christopher Vinuya, Law Enforcement Evaluation 2 Sylvano Melad at Law Enforcement Officer 3 Edwin Bumagat .

Sila’y nagsagawa ng inspection, management audit, inventory of assets at monitoring acitivities ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station.

Sinabi ni P/ Sr.Insp. Essem Galiza, ang Police Community Relations Officer ng PNP Cauayan City na ang inspection ay regular na ginagawa ng NAPOLCOM Regional Office upang imonitor ang kanilang mga personnel.

--Ads--

Anya, wala namang napansin na hindi maganda ang inspection team dahil wala naman silang inihayag na mga pagpuna.

Hindi rin ito surpise inspection dahil may nauna ng pabatid na magtutungo sa kanilang himpilan ang mga inspection team mula sa NAPOLCOM regional office.

Samantala, sinabi ni P/Sr.Insp.Randy Joseph Carbonel na naging maayos ang isinagawang inspection .

Matatandaan na unang nang sumailalim sa surpirse drug inspection ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station na unang inakala na taga-NAPOLCOM ngunit sila pala ay taga-PNP Crime Laboratory.