
CAUAYAN CITY – Walang nakikitang anumang banta para sa tahimik at maayos na pagsasagawa ng halalan sa Isabela ang NAPOLCOM.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dating Sangguniang Panlalawigan Member Ysmael Atienza, Chairman ng Isabela Anti Crime Task Force na sa kanyang pag-iikot sa Isabela ay nakita niyang sumusunod naman ang mga local candidates at kanilang mga tagasuporta sa mga ipinapatupad na panuntunan ng COMELEC.
Ayon kay dating SP Member Atienza mahigpit ding ipinapatupad ng pulisya ang kanilang mga panuntunan at panuntunan ng COMELEC.
Nakipagpulong din sila sa PNP at pinag-usapan ang may kaugnayan sa halalan 2022.
Sinabi pa ni Atienza na nagsagawa ng evaluation ang NAPOLCOM sa PNP at nakitang maayos naman ang monitoring nila sa Isabela.
Wala ring nakitang sagabal para sa maayos at tahimik na election sa Isabela.
Samantala, inihayag pa ni Atienza na magsasagawa sila ng peace covenant at unity walk sa mga kandidato dahil naging epektibo ito noong mga nakaraang halalan.
Pinadalhan na rin nila ang mga bayan may kaugnayan sa pagsasagawa ng peace covenant.
Nakiusap din siya sa mga kandidato at mga supporters na maging instrumento para sa tahimik at maayos na halalan sa Isabela.










