--Ads--

CAUAYAN CITY, ISABELA – Nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ang pamangkin ng isang negosyante na hinoldap sa barangay Ipil, Echague, Isabela.

Ang biktima na si Mary Ann Birosel na residente ng Sinawangan Sur, San Agustin, Isabela ay tinamaan ng bala sa kanyang tiyan na tumagos sa kanyang likod.
Natamaan umano ang matris ng biktima.

Sinabi ni Ginang Fanny Birosel na pauwi na sila nang holdapin siya ng dalawang lalaki. Habang pinipilit na agawin ng mga pinaghihinalaan ang kanyang bag ay binaril ang kanyang pamangkin habang papalapit sa kanya upang siya ay saklolohan.

Nakilala ng ginang at ilang nakakita sa panghoholdap sa kanila ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng larawan o rogue gallery na ipinakita sa kanila ng pulisya.

--Ads--