Pumalo na sa 179 ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak na Jeju Air Flight 7C2216 sa Muan International Airport sa South Korea.
Alas nuebe nitong Linggo ng umaga nang tangkaing maglanding ng naturang eroplano sa paliparan ngunit lumihis ito sa runway dahilan upang tumama ito sa pader ng Airport at magliyab.
Ang Jeju Air Flight 7C2216 ay mula sa Thailand at lulan nito ang 175 na pasahero at anim na crew members.
Sa ngayon ay nasa 33 na ang narekober na mga labi habang nagpapatuloy ang ginagawang paghahanap sa katawan ng iba pang mga biktima at inaasahan naman na madaragdagan pa ang nabaggit na mga datos.
Inaalam pa sa ngayon ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang insidente.
Wala pa namang pahayag ang pamunuan ng Boeing at ang U.S. Federal Aviation Administration hinggil dito.
Samantala, inihayag ni Bombo International News Correspondent Eugene Guillermo na isang malungkot na pangyayari ang naturang insidente kung saan mula sa 181 na pasahero ay 173 ang Korean National, 2 ang Thailander at 6 na crew member.
Ang erplano ay galing sa Bangkok Thailand at nakatakda sanang lumapag sa Muan, Jeju Island,
Batay sa nakuha nilang impormasyon nag-alinlangaang Piloto para sa unang attempt para maglanding dahil sa bird strike na nag sanhi ng makapal na usok kaya umikot ito bago ginawa ang belly landing subalit lumihis ito sa runway.
80 na bumbero mula sa Muan ang ipinadala para sa search and retrieval na sa mga labi ng mga pasahero habang naidala sa pagamutan ang dalawang survivor.