--Ads--

Tukoy na ang pagkakakilanlan ng NPA na namatay sa engkuwentro sa Brgy. Allaguia, Pinukpuk, Kalinga.

Kinilala ang nasawing rebelde na Vice Team leader ng NPA sa ilalim ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) na si Vicente o alyas “Changli”, tinatayang nasa 25-30 taong gulang, tubong Cordillera na napuruhan sa ulo at katawan.

Narekober mula sa namatay na NPA ang isang M4 na baril habang nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong (3) matataas na kalibre ng armas, isang (1) putol na baril, isang (1) granada, mga backpacks at isang (1) cellphone.

Ibinababa na mula sa kabundukan ang bangkay ng NPA at dadalhin sa himpilan ng 503rd Infantry Brigade para maipasakamay sa pamilya upang mabigyan ng disenteng libing.

--Ads--

Samantala, nasa maayos na rin ang kalagayan ng sugatang sundalo na si Private First Class Lhemar Guimpatan ng Reconnaisance Company na nasugatan matapos ang saguypaan sa Bayao.

Matatandaan na unang sumiklab ang sagupaan ng kasundaluhan ng 503rd IB at NPA nitong November 21, 2025 na nasundan ang isa pang engkwentro sa Allaguia kung saan narekober ang bangkay ng nasawing rebelde.