--Ads--

7 katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang maliit na private jet ilang sandali matapos mag-take off sa Statesville Regional Airport sa North Carolina.

Batay sa paunang ulat, kabilang sa mga nasawi si Craig Wadsworth, Dennis Dutton at anak nitong si Jake Dutton, Former NASCAR driver Greg Biffle, asawa nitong si Cristina Biffle at dalawa nilang anak, 14-taong gulang na si Emma at 5-taong gulang na si Ryder.

Ang insidente ay iniimbestigahan na ng National Transportation Safety Board (NTSB) katuwang ang Federal Aviation Administration (FAA). Sa kasalukuyan, wala pang natutukoy na sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Sarado pa rin ang paliparan, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at clearing operations sa lugar.

--Ads--