--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng disenteng libing ang kalansay ng pinaniniwalaang miyembro ng NPA na natagpuan sa bulubunduking bahagi ng San Miguel, Echague, Isabela noong Marso 21, 2019.

Natagpuan ang mga kalansay habang nagsasagawa ng security operations ang tropa ng 86th Infantry Battalion Philippine sa malaong barangay ng San Miguel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Lt. Col. Remigio Dulatre, commanding officer ng 86th IB na malaki ang kanilang paniniwala na ang mga natagpuang kalansay ay isang miyembro ng NPA na iniwan ng mga kasamahan na napalaban sa tropa ng pamahalaan noong nakaraang taon.

Naniniwala sila na isang dayuhan ang may-ari ng kalansay dahil wala naman umanong nawawalang residente sa buong nasasakupan ng Echague, Isabela.

--Ads--
Ang tinig ni Lt. Col. Remigio Dulatre, commanding officer ng 86th IB

May tama ng bala ang bungo ng kalansay na sinuri ng Scene of the Crime Operatives (Soco) ay nakatakdang ipasakamay sa Echague Police Station para bigyan ng disenteng libing at may dokumentasyon para sa mga kamag-anak na posibleng mag-claim sa kalansay.