--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling sa  mga employer sa pribadong sektor na ipasauli sa kanilang mga empleado ang sobrang natanggap na ayuda mula sa Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE)  at  Small Business Wage Subsidy (SBWS)  mula sa Social Security System SSS).

Ang mga ayudang ito ay ibinigay ng pambansang pamahalaan para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na labis na naapektuhan ng krisis dahil sa COVID -19 pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni  Ginoong Porfirio Balatico, Vice President ng SSS North Luzon Division na may mga nakatanggap ng dalawang tranche sa DOLE CAMP at dalawang tranche din mula sa SBWS.

Kailangan aniyang isauli ang natanggap na SBWS kung mayroon nang natanggap na ayuda mula sa DOLE CAMP.

--Ads--

Ipinaliwanag ni Ginoong Balatico  na sa sistema ng pag-apply ng  mga employer sa  SBWS ay  may portion na dapat i-check ang employer na yes or no kung ang empleado ay may natanggap na ayuda mula sa DOLE CAMP.

Gayunman, may mga nakalusot pa rin na nakatanggap ng ayuda mula sa SBWS dahil tsinek ng emplpyer ang portion na NO o walang natanggap na ayuda mula sa DOLE CAMP.

Hindi dapat aniya na makatanggap ang isang empleado ng dalawang tranche ng parehong ayuda mula sa DOLE at SSS dahil dapat na maibigay ito sa iba pang kuwalipikadong empleado.

Ang isasauli ng empleado na ayuda ay idedeposito ng employer sa ibinigay ng SSS  na account sa Land Bank.

Ang pahayag ni  Ginoong Porfirio Balatico, Vice President ng SSS North Luzon Division