--Ads--

CAUAYAN CITY  –   Tuloy ang mga aktibidad ngunit ibayong pag-iingat ang ipatutupad sa pagdaraos ng National Festival of Talents (NFOT) na pormal na magsisimula bukas hanggang March 13, 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Virginia Bergonia, information officer ng City of Ilagan Schools Division Office, sinabi na dahil naroon na ang libu-libong delegado ay matutuloy ang pagdaraos ng NFOT.

Ito aniya ang desisyon sa isinagawang emergency meeting ng mga opisyal ng pamahalaang lunsod ng Ilagan, Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Ibayong pag-iingat aniya ang ipatutupad tulad ng pagsusuot ng facemask ng mga kalahok at pagkakaroon nila ng mga alcohol at sanitizer bilang precautionary measures laban sa Coronavirus Disease (COVID 19).

--Ads--

Bilang paraan ng pag-iingat at pag-iwas  sa contact sa  maraming tao ay isasagawa na ang awarding ng mga mananalo sa mga contests sa bawat venue.

Ayon kay Gng. Bergonia, tuloy ang parada at street dancing dahil isasagawa ang grand opening sa City of Ilagan sports complex na open field.

Ang tinig ni Gng. Virginia Bergonia