--Ads--
Ikinadismaya ng National Public Transport Coalition ang pagtapyas ng pamahalaan sa inihaing pondo ng Department of Transportation.
Matatandaan na mula sa 145.62 billion pesos na inahing pondo ng DOTr ay ginawa lamang itong 50.66 billion pesos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Chairman Ariel Lim, sinabi niya tila hindi na naman mapopondohan ang Public Utility Modernization Program o PUMV dahil mahigit 90 million pesos ang tinapyas sa kanilang pondo.
Ikinalulungkot aniya ito ng kanilang hanay dahil maraming proyekto ang dapat pondohan para sa ikakaganda ng transportasyon sa bansa gaya ng train system ngunit hindi umano ito binibigyang pansin ng pamahalaan.
--Ads--