--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi kumbinsido ang National Public Transport Coalition sa datos ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB na 98% na ng mga pampublikong sasakyan o jeepney sa bansa ay nakapag consolidate na sa PUV modernization program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay National Public Transport Coalition Convenor Ariel Lim sinabi niya na kailangan na maipakita ng LTFRB ang konkretong datos.

Isa sa paraan para sa grupo na magpapatunay sa legality at effectiveness ng naturang programa ay ang pagpapatigil sa mga unconsolidated units para makita kung hindi nga ba ito makakapekto sa buong sektor ng transportasyon.

Samantala, sa ngayon ay may ilang PUV drivers at operators ang patuloy na humahabol sa consolidation subalit may ilang kooperatiba na ang hindi na sila tinatanggap habang ang ilan na consolidated ay hindi na nabigyan ng ruta.

--Ads--

Sa paulit ulit na bangayan dahil sa consolidation ay nais na lamang ng grupo na makita ang magiging resulta sa umanoy mga hakbang ng LTFRB na  panghuhuli sa mga colorum na PUV at PUJ units para mapatunayan ang kakulangan ng paghahanda ng pamahalaan lalo na sa pagbibigay ng suporta ng pamahalaan sa mga maapektuhang tsuper.