--Ads--

CAUAYAN CITY- Ikinagalak ng National Public Transports Coalition ang pasya ng Senado na maghain ng resolusyong magpapasuspinde sa implementasyon ng PUV Modernization Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay National Public Transport Coalition Convenor Ariel Lim sinabi niya na labis siyang nagagalak at ikinatuwa niya ang resulta ng nagdaang hearing ng Senado.

Labis ang pasasalamat niya sa mga Senador na nagbigay ng malinaw na suporta sa hanay ng transportasyon sakabila ng ilang taon nilang paninindigan sa mga butas sa implementasyon ng PUV Modernization Program.

Noon pa man aniya ay nakikita na nilang hilaw ang ang kautusan para tuluyang isabatas at ipatupad sa Pilipinas ang nasabing programa kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa mga Senador na bumalangkas ng resolusyon para sa usapin na ng suspensiyon ng modernisasyon.

--Ads--