--Ads--

Hindi tinututulan ng National Public Transport Coalition ang kahilingan na pagbalangkas ng motorcycle taxi law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Chairman Ariel Lim sinabi niya na wala naman talaga silang tutol sa mga motorcycle taxi o sa panukalang motorcycle taxi law dahil pabor pa ito para  sa pagsusulong ng progreso sa sektor ng transportation.

Aniya kaya lamang naman nagkaroon ng pagkwestiyon sa Pilot program ay dahil sa unti unting pag sulputan ng mga motorcycle taxi service provider o kumpaniya na nag-aalok ng parehong serbisyo ng hindi dumadaan sa tamang proseso.

Matatandaan na unang inihain ng NPTC ang reklamo  para sa suspensyon ng pilot program matapos silang alisin bilang miyembro ng technical working group at hindi bigyang pansin ang kanilang kahilingan na limitahan ang bilang ng mga motorcycle taxi na papayagang mag operate para matiyak na magkaroon ng balanse at hindi makaapekto sa iba pang transport services.

--Ads--

Kabilang sa mga hiling ng NPTC bago tuluyang isabatas ng motorcycle taxi law na dumaan sa safety driving skill at training mula sa LTO ang mga rider ng motorcycle taxi.

Pabor din ng grupo na magkaroon ng operasyon ng motorcycle taxi sa mga lugar na may matinding problema sa trapiko o may kakulangan sa transportasyon.