CAUAYAN CITY- Ikinatuwa ng National Public Transports Coalition ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng Committee on Public Services sa pangunguna ni Senator Raffy Tulfo at Vice Chair Senator Grace Poe.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ariel Lim, Convenor ng National Public Transports Coalition sinabi niya na bagamat gumawa na ng aksyon ang komite at nagpakita ng simpatiya para sa mga drivers operators na naapektuhan na ng PUV modernization program ay hindi parin malinaw na nasasagot ang kanilang mga katanungan kaugnay sa programa.
Gaya ng paulit-ulit na iginigiit ng grupo na hindi sila tutol sa modernisasyon subalit kailangan nila ng maayos at malinaw na plano para sa kanilang mga PUV driver operators.
Samanatala, umaasa ang grupo na mapapahapyawan o matatalakay sa 2024 State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang PUV Modernization Program at sa pabago bagong presyo ng produktong petrolyo.
Ito aniya ang pagkakataon ng pangulo na tuldukan ang matagal ng problema at sagutin ang lahat ng mga katanungan sa sektor ng transportasyon partikular ang mga programa para sa kanilang mga driver operators.