--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang Nationwide Demonstration ng Automated counting Machines sa pangunguna COMELEC Cauayan City sa Cauayan City Bamboo Hall.

Sa ginawang Demo ay ipinakita ang proseso at hakbang sa bagong voting machine na gagamitin sa susunod na halalan na pinangunahan ni City Election Officer Atty. Johanna Vallejo.

umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang demo dahil sa ilang features ng ACM’s.

Kapansin-pansin ang mas mababang ballot box na mas accessible para sa mga botante na may kapansanan, may self-alignment feature na rin ito para maiwasan ang paper jamming.

--Ads--

Wala namang pagbabago sa paraan kung paano bumoto sa bagong ACM.

Maaari namang mahirapan ang mga matatanda na botante na hindi maalam sa gadgets dahil sa automatic checking option, may posibilidad kasi anila na miwan ang listahan ng mga kandidato sa screen at makita ito ng susunod na botante.

sa ganitong pagkakataon ay nakahanda naman na umalalay ang mga election personnel sa mga non-techy voters’ para hindi mahirapang bumoto.

Samantala, may paglilinaw naman si Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo sa ilang katanungan kaugnay sa checking option.

Aniya, ang layunin ng checking option ay para ma cross check ng botante ang listahan ng mga naiboto niyang kandidatro sa resibong ilalabas ng machine.

Sa susunod na taon ay mayroong 1.1 million registered voters sa Isabela at inaasahan na ang 80% voters’ turnout.