--Ads--

CAUAYAN CITY- Natukoy ang mga magnanakaw ng mga panabong na manok na dumadayo sa Angadanan, Isabela dahil sa nalaglag na cellphone ng isa sa tatlong suspek.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Inspector Ardy Tion, hepe ng Angadanan Police Station ang biktima ng pagnanakaw ng panabong na manok ay taga barangay Aniog at ang isa pa ay isang barangay Kagawan ng barangay Loria, Angadanan, Isabela.

Sumilip anya sa kanilang bintana ang biktimang taga Barangay Aniog dahil kumakahol ang kanilang aso at dito namukhaan ang isa sa tatlong suspek na nagnanakaw ng kanyang panabong na manok ngunit dahil sa takot ay hindi na lumabas ng kanilang bahay.

Kinabukasan ay nakita ng hindi na pinangalanang biktima ang isang cellphone na pag-aari ng isa sa mga pinaghihinalaan

--Ads--

Umaabot sa apat na panabong na manok ang umanoy ninakaw sa Barangay Kagawad ng Barangay Loria, Angadanan habang tatlong panabong na manok sa isang residente ng Barangay Aniog,Angadanan, Isabela.

Sinabi pa ni Senior Inspector Tion na bumagsak sa regular filling under preliminary investigation ang isinampang kaso laban sa tatlong pinaghihinalaan na may edad sa pagitan ng25 anyos hanggang 35 anyos na pawang residente ng Alicia at San Mateo, Isabela.

Hinihintay ang ilalabas na warrant of arrest ng Hukuman upang madakip ang tatlong suspek na nauna na ring nasangkot sa pagnanakaw sa kanilang mga bayan ngunit napawalang sala.