--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinagpatuloy kaninang umaga hanggang bukas ang mga laro sa provincial meet na itiginil noong October 29, 2018 dahil sa pagtama ng bagyong Rosita sa lalawigan ng Quirino

bago ang bagyo ay isinagawa na ang opening program at marami nang mga natapos na laro.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Dante Nadal ng Dep-Ed Quirino na hindi naman naapektuhan ang mga pasilidad sa gagamitin sa pagpapatuloy ng provincial meet.

Marami aniyang bagong atleta na puwedeng isabak ng Quirino sa Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA Meet.

--Ads--

malakas ang mga delegasyon ng mga bayan ng Cabarroguis, Diffun, Maddela at Saguday.

Nagpapasalamat si Dr. Nadal sa patuloy na suporta sa mga atleta ng mga pamahalaang lokal lalo na ang pamahalaang panlalawigan ng quirino sa taunan nilang paglahok sa CAVRAA Meet.