--Ads--

CAUAYAN CITY- Hinihikayat ng Philippine Navy ang lahat ng gustong maging bahagi ng kanilang hanay na magsumite ng application sa kanilang mga recruitment offices.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 2nd Lt. Duardlin Balubal ng Philippine Navy sinabi niya na mayroong dalawang kategorya na maaaring apply-an ng mga nais maging bahagi ng Philippine Navy.

Ito ay kinabibilangan ng Naval Officer Candidate Course (NOCC) para sa mga gustong maging opisyal at Sailor Basic Course o SBC naman para sa mga gustong maging enlisted personnel.

Ang mga aplikante para sa NOCC ay kinakailangang College Graduate at dapat nasa edad 20 ngunit hindi hihigit sa 26 years old sa araw ng aplikasyon nito at hindi naman dapat hihigit sa 27 ang edad kapag na-appoint na bilang Probationary Ensign at Probationary Lieutenant.

--Ads--

Bukas naman para sa mga hindi college graduate ang SBC ngunit dapat ay hindi bababa sa 18 ang edad at hindi naman hihigit sa 25 years old.

Kinakailangan lamang mag-presenta ng High School o college diploma at Birth Certificate.

Malaking puntos naman para sa mga SBC Applicants ang mayroong trainings, work experience at Certification sa NCII.

Sa ikalawa haggang ika-anim na araw ng Setyembre ngayong taon ay magbubukas ang Mobile Recruitment Office ng Philippine Navy sa 5th Infantry Division Philippine Army sa Upi, Gamu, Isabela.