
CAUAYAN CITY – Patuloy ang paghahanap sa nawawalang apat na PCG personnel noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Egay sa Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Jessa Pauline Villegas, tagapagsalita ng Coast Guard District Northeastern Luzon sinabi niya na nagpapatuloy ang Water Search and Rescue Operation, foot patrol, at coastal search sa Camiguin at Dalupiri Island.
Dalawang araw na rin silang nagsasawa ng aerial search at drone search sa mga nabanggit na isla partikular sa ilang bulubundukin at masukal na bahagi ng isla.
Tumutulong narin sa paghahanap ang lahat ng personnel ng coast guard Cagayan maging ang ilan pang substation katuwang ang PDRRMO, BFAR, ilang mangingisda, ilang barangay official, PNP at Marines.
Malaking hamon parin sa WASAR ang matataas na alon sa karagatan at masamang lagay ng panahon.
Samantala, natagpaun na ng PCG Claveria Sub-station partikular sa Isla ng Ririgaten ang nawawalang mangingisda na si Alvin Plasos na mula pa sa ilocos Norte matapos na agad siyang humingi ng tulong nang makita ang bangka ng isa pang mangingisda na agad nama siyang tinulungan.










