--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng isang maritime incident ang Philippine Coast Guard sa Aurora Provincie kung saan isang mangingisda ang patuloy na hinahanap.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Jessa Pauline Villegas tagapag salita ng Coast Guard District Northeastern Luzon sinabi niya na bago ang pananalasa ng Bagyong Enteng ng lumayag ang tatlong mangingisda mula sa karagatan ng Barangay Mapalad Dinalungan, Aurora.

Aniya dahil sa matatas na alon ay hindi na nagawang makabalik pa sa pampang ang isa sa tatlong magngingisda.

Sa ngayon ay hindi makapagsagawa ng Rescue Operations ang Coast Guard dahil sa masamang lagay ng panahon at malalakas na alon, gayunman ay nakipag ugnayan na sila sa mga barangay malapit sa lugar para makapag bigay ng impormasyon kung sakaling makita o mamataan ang nawawalang mangingisda.

--Ads--