--Ads--

CAUAYAN CITY – Naalarma na ang National Bureau of Investigation (NBI) region 2 sa magkasunod na pagkadiskubre sa dalawang warehouse sa Isabela na pagawaan ng mga pekeng sigarilyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Gelacio Bongat, regional director ng NBI region 2,  sinabi niya na maglulunsad sila  ng malawakang inspeksiyon sa lahat ng mga dodega sa rehiyon katuwang ang mga kawani ng Bureau of Internal (BIR).

Una rito ay nakatanggap ang NBI ng liham mula sa   BIR para sa pag-aresto sa apat na Chinese national na sangkot sa operasyon ng dalawang bodega sa Naguilian at Alicia, Isabela na natuklasang gumagawa ng mga pekeng sigarilyo.

Nananatili sa kustodiya ng mga otoridad ang apat na pinaghihinalaan matapos na masampahan na ng kaso sa pamamagitan ng inquest case proceeding sa Isabela Procecutors Office.

--Ads--

Ayon kay Regional Director Bongat, sa kanilang imbestigasyon ay  lumabas sa  talaan ng BIR na ang negosyanteng si  Peter Hou sa  Alicia, Isabela ang nakapangalan sa  dalawang bodega ngunit sinabi ng kanyang abogado na naibenta na ang isang bodega.

Magsasagawa ng mas malalimang pagsisiyasat ang NBI  kaugnay sa mga sinalakay ng bodega upang matukoy kung sino ang tunay na may-ari ng mga ito.

Ang pahayag ni NBI Regional Director Gelacio Bongat.