--Ads--
Humiling ng red notice sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) ang National Bureau of Investigation (NBI) para kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ito ang kinumpirma ni NBI spokesperson Palmer Mallari kung saan idinaan umano ang request sa Philippine Center on Transnational Crime noong November 23.
Kapag naaprubahan, ipapadala ang red notice sa lahat ng member countries upang ipaalam na may arrest warrant si Co na inisyu ng local court.
Dahil kanselado na ang pasaporte ng dating kongresista, maaari na itong maaresto “by virtue of their immigration laws.”
--Ads--
Matatandaang idineklarang pugante ng Sandiganbayan si Co dahil sa kaugnayan nito sa flood control anomaly.











