--Ads--

Isinagawa na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Sarah Discaya nitong Huwebes, Disyembre 18, kaugnay ng P96.5 milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang video na ibinahagi sa kanyang Facebook page na naglabas na ang korte ng warrant of arrest laban sa sampung pangunahing sangkot, kabilang si Discaya at iba pang mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa Pangulo, ang mga akusado ay nahaharap sa mga kasong graft at malversation, na hindi maaaring piyansahan.

Dagdag pa niya, may 8 pang opisyal ng DPWH ang nagpahayag ng kanilang intensyon na sumuko sa mga awtoridad.

--Ads--