CAUAYAN CITY – Puntirya ng National Bureau of Investigation (NBI) Cagayan Valley na magkaroon sa sa 2018 ng satellite office sa lahat ng lalawigan na kanilang nasasakupan tulad ng Quirino, Batanes, Ifugao, Kalinga at Apayao.
Sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Gelacio Bongat, asst. regional director ng NBI Cagayan valley na layunin nito na mailapit ang kanilang serbisyo sa mga mamamayan sa mga nabanggit na lugar.
Hindi lamang sa pagkuha ng NBI clearance kundi sa pagtugon sa reklamo ng mga mamamayan.
Ayon kay Atty. Bongat, ang Sangguniang panlunsod ng Tabuk City sa Kalinga at nagpatibay ng resolusyon na humihiling na magkaroon doon ng satellite office.
Ang pamahalaang panlalawigan naman ng Quirino at Apayao ay handang magkaloob ng lupa at gusali para sa kanilang satellite office.
Sinabi pa ni Atty. Bongat na sa pagpapatupad ng NBI sa Reorganization Act ay nangangailangan din sila ng maraming ahente.




