--Ads--

Malaking pasanin para sa hanay ng mga jeepney operators ang muling pagpapatupad sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ito ang inihayag ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) matapos magsimula nitong Lunes, Marso 28 ang implementasyon ng NCAP matapos ang ilang taon dahil sa Temporary Restraining Order (TRO).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON Chairman Mody Floranda, sinabi niya na wala silang problema sa layunin ng pamahalaan na I-monitor ang traffic sa pamamagitan ng CCTV Cameras subalit hindi lamang nila gusto ang mataas na multa sa simpleng violations lamang.

Hindi rin aniya akma ang NCAP sa kalagayan ng kalsada sa Pilipinas kung saan may mga pagkakataon na hindi maiwasang makapagtala ng violations gaya na lamang ng kakulangan ng loading unloading kaya magiging malaking pasanin ito para sa hanay ng transportasyon.

--Ads--

Ikinagulat naman ng PISTON ang timing ng pagpapatupad nito lalo na at nakatakdang ayusin ang EDSA na maituturing na bottleneck pagdating sa traffic.