--Ads--

Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko lalo na sa mga residente na naninirahan sa mga baybaying komunidad na mag-ingat sa pagbagsak ng debris mula sa rocket na pakakawalan ng China na inaasahang babagsak sa teritoryo ng karagatan ng Pilipinas.

Sa abiso ng NDRRMC, na maglulunsad ang China ng Long March 7 rocket nito mula sa Wenchang Space Launch Site sa Wenchang, Hainan, China dakong alas-2 ng madaling araw hanggang alas -6 ng umaga (oras sa Pilipinas) sa pagitan ng Hulyo 15-17.

Ang debris ng rocket ay babagsak sa iba’t-ibang drop zones na nasa 33 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc (Scarborough o Panatag Shoal) sa Masinloc, Zambales; 88 nautical miles mula sa Cabra Island sa Occidental Mindoro.Gayundin, nasa 51 nautical miles mula sa Recto (Reed) Bank sa Kalayaan Island Group o Spratly Islands at 118 nautical miles mula sa Busuanga, Palawan.

Babala ng Philippine Space Agency (PHILSA) na iwasang pulutin o lumapit sa mga rocket debris upang maiwasan ang panganib ng toxic substance tulad ng rocket fuel.

--Ads--

Ipinayo rin na gumamit ng Personal Protective Equipment (PPE) na inirerekomenda kung kinakailangan lalo na kung malapit lamang ang debris.