CAUAYAN CITY- Matagumpay na nadakip ng mga otoridad ang isang negosyante na sangkot sa pagbebenta ng droga sa isang lehitimong operasyon ng PNP sa Recto St. Purok 6, Brgy. Centro West, Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Felimon Carabbacan, Jr. Ang hepe ng Santiago City Police Station 1, sinabi niya na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang informant kaya bineripika nila ang ulat bago ikinasa ang isang drug buy bust operation laban sa suspek na isang negosyante at residente ng Barangay Calaocan, Santiago City.
Nanguna sa operasyon ang SCPO Station 1 CIU, PDEA Quirino Provincial Office na may koordinasyon sa PDEA Region 2.
Nakipagtransaksyon umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer bitbit ang isang medium size transparent plastic sachet ng droga na nagkakahalaga ng P4,000.00.
Aabot sa isang (1) gramo ang drogang nabili sa suspek na nagkakahalaga ng P6,800.00 maliban pa sa cell phone na ginamit nito sa pakikipag transaksyon at isang black purse.
Ayon kay Pmaj. Carabbacan hindi ito ang unang beses na nasangkot sa krimen ang suspect dahil taong 2019 nang makulong siya sa kasong Homicide at ngayon ay nahaharap na rin kasong paglabag sa Republic Acxt 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.