--Ads--

Naaresto ang isang negosyante matapos masamsaman ng baril sa isang beer house sa Cauayan City.

Ang pinaghihinalaan ay nakilalang si Lester di tunay na pangalan, businessman, at residente ng San Manuel, Isabela.

Sa panayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Christian Mendoza Felix, ang deputy chief of police ng Cauayan City Police Station, bandang alas onse trenta kagabi nang magsagawa ng Oplan Bakal Sita ang mga kasapi ng nasabing himpilan sa Happy Box, sa barangay San Fermin, Cauayan City.

Matapos ang koordinasyon sa may-ari ng bar ay pinakiusapan umano ang mga costumer na bahagyang itaas ang kanilang shirts para sa inspection.

--Ads--

Gayunman, nakita umano ang suspect na ibinaba nito ang kanyang sling bag sa upuan at nagkataong nakita ng mga pulis ang muzzle o dulo ng baril mula sa naturang bag na baghagyang nakabukas.

Nang tingnan ang laman ng nasabing bag ay natuklasang naglalaman ito ng Taurus G2C, caliber 9mm na baril at loaded ng magazine at 12 bala.

May naipakita namang firearm license ang pinaghihinalaan subalit wala itong maipakitang Permit to Carry Firearm Outside Residence (PTCFOR).

Dahil dito ay inaresto ang pinaghihinalaan para sa pagsasampa ng reklamong paglabag sa RA 10591 o Unlawful Possession of Firearms outside residence without PTCFOR.