--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala pang maituturing na person of interest sa pagbaril at pagpatay kagabi sa isang negosyante s Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni SPO3 Oscar Onofre, imbestigador ng Echague Police Station na sinisiyasat nila ang anggulong love triangle at may kinalaman sa negosyo ang pagpatay sa negosyanteng si Dexter Andaya, 36 anyos, binata at residente ng Gapusan Village, Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.

Siya ay inilarawan ng kanyang mga kamag-anak na mabait at walang record sa pulisya.

Ayon kay SPO3 Onofre, inabangan at sundan si Dexter Andaya na pauwi na sakay ng motorsiklo na minaneho ng isang binatilyo na kasama niya sa kanyang negosyo.

--Ads--

Ang dalawang suspek ay sakay din ng motorsiklo na sumunod sa kanila at pagkatapos silang lampasan ay binaril si Andaya.

Siya ay tinamaan sa kanyang mukha na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon kay SPO3 Onofre, nakatuon ang kanilang pagsisiyasat sa motibo na may kinalaman sa negosyo at love triangle.

Ayon kay SPO3 Onofre, hindi nakilala ng nagmaneho sa motorsiklo na sinakyan ni Andaya ang mga suspek dahil may suot silang helmet.

Cal. 45 baril ang ginamit ng salarin sa pagbaril sa biktima.