--Ads--

CAUAYAN CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya ng negosyanteng namatay sa pamamaril patay kahapon ng hindi pa matukoy na suspek sa Ambatali, Ramon Isabela.

Ang biktima ay si Ricardo Quiambao III, buy and sell ng mga isda at restaurant ang negosyo at residente ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Marilyn Quimbao, sinabi niya na patungo ang kanyang mister sa hydro sa Ramon, Isabela sakay ng kolong-kolong para mag-angkat ng mga paninda nilang isda nang maganap ang pamamaril sa kanya.

Ayon kay Gng. Quiambao, walang nabanggit ang kanyang mister na pagbabanta sa kanyang buhay.

--Ads--

Wala rin siyang nabasa sa mga text messages sa cellphone ng kanyang mister na pagbabanta sa  kanyang buhay.

Sinabi naman ng kanilang anak na si Ramon na mabait ang kanyang ama at wala silang alam na kanyang kaaway.  

Bihira na ring lumabas ang kanyang tatay dahil sa kanyang sakit na diabetes.

Ang magkasunod na pahayag ng mag-inang Marilyn at Ramon Quiambiao.