--Ads--

CAUAYAN CITY -Nasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency  at PNP  na  nadakip sa isinagawang drug buybust operation sa Barangay Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang nadakip ay  si Jan Louie Mamaril, 27 anyos, isang vegetable dealer at residente ng Barangay Macate, Bambang,  Nueva Vizcaya

Sa pagatutulungan ng pinagsanib na puwersa ng  Provincial Drug Enforcement Unit,, Nueva Vizcaya Police Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit at Bambang Police Station ay  isinagawa ang drug buybust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nakuha sa suspek  ang tatlong plastic sachet  ng hinihinalang shabu, Apat na libong pisong boodle money,dalawang piraso ng kulay pula at  ubeng sling bag, lighter, isang pakete ng sigarilyo, isang unit ng Android Phone, scooter, isang bloke ng hinihinalang dahon ng marijuana na nakabalot sa brown tape at isang hinihinalang granada.

--Ads--