--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanlumo ang isang negosyante matapos mabiktima ng pananakot at pangingikil ng mga nagpakilalang kasapi ng new peoples army (NPA).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa negosyanteng itinago sa pangalang Danny, sinabi niya na noong Mayo, isang hindi kilalang tao na inakalang niyang kliyente ang tumawag sa kanya.

Subalit taliwas sa kanyang inaasahan ay sinabi umano ng tumawag sa kanya na inutusan sila ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison para hingian siya pera na pambili ng baril o di kaya ay motorsiklo.

Nagbanta anya ang mga nagpakilalang rebeldeng NPA na kung hindi sila makapagbigay ng pera ay malalagay sa panganib ang kanyang buhay gayundin ang kanyang pamilya.

--Ads--

Dahil sa takot na madamay ang kanyang pamilya ay nagpadala siya ng Php 50,000.00 sa pamamagitan ng pera padala sa mga nagpakilalang NPA.

Sinabi pa ni Danny na inulit ng umanoy ng mga nagpakilalang kasapi ng NPA ang paghingi sa kanya ng pera at nakapagpadala muli ng Php 20,000.00 subalit nakarating sa kanyang kaalaman na nadakip ang suspek kaya hindi nakuha ang perang ipinadala sa pera padala na kanyang nabawi.