CAUAYAN CITY– -Inaresto ang isang negosyante matapos masamsaman ng baril, mga bala at magazine sa Purok 7 Barangay Bannawag Norte, Santiago City.
Ang dinakip ay si Sonny Gragasin, 41 anyos isang negosyante ng nabanggit na lugar
Pinangunahan ang pagsisilbi ng search warrant na inilabas ni Judge Anastacio Anghad ng RTC Branch 36 Second Judicial Region Santiago City
ng mga kasapi ng City Intelligence Unit ng SCPO, City Mobile Force Company at Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG)
Nakuha ng mga otridad ang isang Caliber 38 revolver, 5 bala ng Caliber 40 , dalawang magazine ng Cal. 9mm, dalawang magazine ng Cal. 9mm, Isang magazine ng Cal. 40 , labing tatlong bala ng Cal. 45 at anim na bala ng Cal. 38 .
Hindi naman itinanggi ng suspect na sa kanya ang mga bala ng baril ngunit itinangging sa kanya ang nakuhang Caliber 38 revolver.
Sinilbihan ng search warrant ang bahay ng suspect dahil sa mayroong nagparating sa himpilan ng pulisya na madalas makitang nagdadala umano ng baril.
Walang maipakitang papeles ng mga bala at baril ang suspect kayat kinumpiska ng mga pulis at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of firearms).
Nasa pangangalaga ng SCPO ang suspect at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.