CAUAYAN CITY- Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang negosyante na pinagbabaril-patay kaninang umaga sa loob mismo ng pamilihang bayan sa Bugallion Proper, Ramon, Isabela.
Ang nasawi ay Zaldy Marcelo Manuel, 36 anyos at residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan. Inihayag ni P/Chief Insp. Lord Wilson Adorio, hepe ng Ramon Police Station, kumakain ng pansit ang biktima sa isang tindahan sa loob ng pamilihan ng biglang dumating ang suspek na naka-sombrero at nakatakip ang mukha.
Dito tinutukan at binaril sa likod ng kanyang ulo ang biktima gamit isang 9mm na baril.
Nabawi sa pinangyarihan ng krimen ang 4 na empty shell at dalawang slug ng 9mm na baril.
Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima subalit ideneklarang dead on arrival sa pagamutan.
Ayon pa kay Chief Insp. Adorio na nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagsisiyasat at tinitigan kung may CCTV Camera malapit sa lugar na maaring magamit para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.




