--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang tatlong suspek sa panghoholdap at pagpatay sa isang negosyante sa Palitud, Paracelis Mountain Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Inspector Cornelio Marawis ng 3rd Manuever Platoon Mt. Province Police Provincial Mobile Force Company na nakilala ang biktima na si Ramon Sagaydoro,74 anyos na residente ng nasabing lugar.

Nakilala ang suspek na sina Ivan Banban, 33 anyos, kapitbahay ng biktima sa Turod, Palitud, Mountain Province, Jaylord Lattao, 33 anyos at Raul Cumin, 45 anyos, kapwa residente ng Cataggaman Pardo, Tuguegarao City.

Ayon kay Inspector Marawis, pumasok ang tatlong suspek sa bahay ng biktima na sinaksak ng 8 beses na nagsanhi ng kanyang kamatayan habang iginapos ang 7 anyos nitong apo.

--Ads--

Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at sa tulong ng mga kasapi ng Barangay Peacekeeping  Action Team ay natunton ang kinaroroonan ng mga suspek.

Habang tinutugis ng mga otoridad ay lumaban ang 3 suspek sanhi para sila ay masugatan at naaresto ng mga pulis.

Matapos maipagamot ang mga suspek ay dinala sa Paracelis Police Station at inihahanda na ang kasong robbery with homicide laban sa kanila.