CAUAYAN CITY – Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa isang negosyante sa Ilagan City.
Nakilala ang biktima na si Donald Cabansag, 27 anyos at residente ng Barangay Calamagui First Lungsod ng Ilagan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas na ang biktima ay pauwi sa kanilang bahay sakay ang isang mio motorcycle at kaangkas niya ang isang dalagang babae na sinasabing taga Caloocan City.
Sinundan umano ng mga riding in tandem criminals ang biktima at binaril ng isang beses.
Tinamaan sa likurang bahagi ng tainga ang nasabing negosyante habang ang kanyang kaangkas na babae ay mapalad na hindi nadamay sa krimen.
Nabawi mula sa pinangyarihan ng pamamaril ang isang basyo ng bala mula sa Cal. 45.
Isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival habang ang mga suspek ay tumakas patungong north direction.