--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto  ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang negosyante na nahaharap sa patong-patung na kasong pagnanakaw sa  District 2, Cauayan City.

Ang  inaresto ay itinago sa pangalang Mila, 39 anyos, negosyante, walang asawa at residente ng Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ang  suspek  ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na  ipinalabas ni  Judge  Raul Babaran ng RTC Branch  19, Cauayan City sa kasong  16 counts of Qualified theft.

Makakalaya pansamantala ang suspek  kapag naglagak ng piyansang kabuoang Php480,000.00 .

--Ads--

Ang suspek  ay dinala sa himpilan ng pulisya bago ipasakamay sa court of origin.