--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng tatlong baril at maraming bala ang isang negosyante matapos silbihan ng search warrant ng mga kasapi ng Diffun Police Station at Criminal Investigation and Detection Group.

Ang sinilbihan ng search warrant ay si Arnold Dela Cruz, 40 anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Aurora East, Diffun, Quirino

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Victoriano Yarcia, hepe ng Diffun Police tation na nasamsam kay Dela Cruz ang isang 12 gauge Shotgun na mayroong deface serial number, isang unit ng Cal. rifle o M16 replica, isang Cal. 38, isang magazine ng Cal. 22 na loaded ng apat na rounds ng live Ammo, anim na live ammunition ng Cal. 38, isang magazine ng Cal. 40 at 15 rounds ng live ammunition para sa Cal. 40.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na mayroon nang kinasangkutang robbery ang suspek ilang taon na ang nakakaraan.

--Ads--

Si dela Cruz ay nasa pangangalaga na ng CIDG Quirinoo para sa kaukulang disposisyon.