--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadagdagan ang Kasong kakaharapin ng wanted na lalaki na dinakip ng Santiago City Police Office Station 2 sa barangay Baluarte matapos masamsaman ng droga at granada.

Ang dinakip na akusado ay si Maleck Remigio Shehadeh, 25 anyos, isang negosyante, at residente ng Sinamar Norte, San Mateo.

Una rito ay dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Maria Anastacia Manalang Labog ng 9th MCTC Second Judicail Region sa Cabatuan-Luna, Isabela sa dalawang kaso ng bouncing Check.

Nakuha pa sa pag-iingat ni Cejade nang siya ay dinakip sa isang hotel sa barangay Balluarte ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang itim na pouch at isang granada.

--Ads--

Dahil dito ay nadagdagan pa ang kaso ng naturang suspek.

Php120,000.00 inirekomendang piyansa para sa dalawang kaso ng bouncing check para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.